1

Nitong Huwebes, March 5, dinipensahan ng abogado si Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay matapos itonga-bash sa social media dahil sa viral “nag-init” statement nito patungkol kay Anne Curtis.

Kasunod nito ay ang pagtirada kay Jasmine dahil nagsalita ito para ipagtanggol ang kapatid laban sa kongresita.

Pinuna ng abogado ang pagsusuot ng aktres ng bikini photos at pagbabandera nito ng mga larawang sexy sa social media.

“Kayong mga artista, mga ganyan, ikaw, Jasmine, bakit ka nagpo-post ng bikini pictures mo sa social media, sa mga pahayagan—hindi ba para ikaw ay pagnasahan, para ikaw ay sumikat?” saad ni Topacio.

Samantala, ang naturang video clip ni Topacio na kuha mula sa kanyang show ay ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram story.

“YOWWWWW WHAT THE ACTUAL ????? WHAT THE!!!! DUGYOT KA!” gigil na sabi ni Jasmine.

Bukod sa mga pahayag ng abogado laban sa aktres ay ipinagtanggol rin nito ang kongresista at iginiit na walang malo sa sinabi nito.

“‘Yong iniisip mo, hindi ka puwedeng—hindi criminal offense. Kahit anong sama ng iniisip mo, may nakita kang babae na gusto mong gahasain, gusto mong halayin, gusto mong daklutin (ano na, harapan na), hindi kasalanan ‘yon!” tanggol ni Topacio kay Suntay.

Samantala, wala pa namang inilalabas na bagong tugon o pahayag si Topacio kaugnay sa naging realsyon ni Jasmine sa mga sinabi niya.

no comments (yet)
sorted by: hot top controversial new old
there doesn't seem to be anything here
this post was submitted on 07 Mar 2026
1 points (100.0% liked)

Philippines

2028 readers
1 users here now

Mabuhay at maligayang pagdating sa Lemmy! 🇵🇭


A fediverse community for the Philippines and all things Filipino!


Started out as a Reddit alternative during the blackout from Jun 12-21, 2023 with over 1k members in just a few days. Fizzled faster than the "I Didn't Do It" kid after a month until it became the internet's Centralia in less than a year.

Image

image


image

Filipino artists whose works were featured on our daily random thread covers.

Image

founded 2 years ago
MODERATORS